Skip navigation

Ulo ay sumasakit, ang sipon ay tumutulo. Tag-ulan na naman, ngayon ko lang naramdaman. Ilang buwan din bago ko mamalayan ang panahong ito. Uso na ang trangkaso, ubo at sipon, ang mga rayuma ng mga matatanda ay umiiral na rin. Ang ulan, sa bawat dampi sa aking mukha ay kaligayahan ang aking nadama. Tila ang panahon ay bumabalik sa panahon ng aking kabataan. Ito rin ang mga sandaling ninanais ng mga katawan nating manatili sa ating mga higaan at namnamin ang lamig ng panahon. Sa bawat tagaktak at buhos ng ulan, tila uyayi sa ating mga tainga na nakakapagpapatulog sa atin pagsapit ng hapon. Ang ulan, kaibigan kong tunay.

Sige pa ulan, bumuhos ka pa! Tangayin mo ang kalungkutan sa aming mga damdamin! Linisin mo ang lahat ng gumugulo sa aming utak. Lakasan mo pa ang iyong pagbuhos nang sa gayon ay wala kaming pasok bukas!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: