Skip navigation

Monthly Archives: August 2006

One of my favorite books will be shown in theaters soon. The Conversations with God, the story will focus on the author. I just had this book last year, I was not aware that it was published back in 1995 and I was not fond of reading books back then because of a child’s age, just 11. The book is so inspiring, and I do hope the movie goes the same. I really don’t expect that this book will become a movie, but here it is. It will be showing soon. I’m so excited to see it. I only have the first book and I do love the contents. Truly inspiring and my faith in God strengthens. Somehow, it changed my views and perspective in life and with my faith.

Now, I’m looking forward buying the book two of it before the movie is shown.

Conversation with God movie

Conversation with God Organization

Conversation with God info

Another week has passed. Weekend again, but not a long weekend this time. Damn GMA, she didn’t announced Monday to be a Holiday. Sad! This week was a good week, but my body doesn’t like it. The other day I had a migraine, it was light, but I felt nauseous. Athena was coming out of my forehead. Or maybe, I was impregnated; I was conceiving… Duh! That was like Arnold Schwarzzeneger in Junior, ugly! And who the hell could impregnate a man, hahaha. Luckily, the headache decreased by evening and I made it to my workout. I even had a goodnight sleep and even there was neighbor’s fight that night, I simply ignored it and got back to sleep.

Now, what bothers me is the pain I have in my abdominals. No, I’m not having diarrhea or being constipated. I had sit-ups the last workout, and the soreness stayed the day after until today (it’s 2 days now). The pain was excruciating. I could not stand up straight and walk well. My migraine transferred to my abdominals; Athena is there, I’m now preggy. I could not strut my fashionista-ala-ramp-model walk. My posture is bad, very bad. But my confidence is still there, even it’s painful, I still managed to walk the hallway in a straight body. I just hope this will be fine tomorrow so I can go back to my workout. I don’t like skipping.

*Athena was born from Zeus forehead

Ulo ay sumasakit, ang sipon ay tumutulo. Tag-ulan na naman, ngayon ko lang naramdaman. Ilang buwan din bago ko mamalayan ang panahong ito. Uso na ang trangkaso, ubo at sipon, ang mga rayuma ng mga matatanda ay umiiral na rin. Ang ulan, sa bawat dampi sa aking mukha ay kaligayahan ang aking nadama. Tila ang panahon ay bumabalik sa panahon ng aking kabataan. Ito rin ang mga sandaling ninanais ng mga katawan nating manatili sa ating mga higaan at namnamin ang lamig ng panahon. Sa bawat tagaktak at buhos ng ulan, tila uyayi sa ating mga tainga na nakakapagpapatulog sa atin pagsapit ng hapon. Ang ulan, kaibigan kong tunay.

Sige pa ulan, bumuhos ka pa! Tangayin mo ang kalungkutan sa aming mga damdamin! Linisin mo ang lahat ng gumugulo sa aming utak. Lakasan mo pa ang iyong pagbuhos nang sa gayon ay wala kaming pasok bukas!

Lunes na naman at malayo pa rin ang araw ng sweldo. Tanging trabaho lang ang mapaglilibangan sa mga panahong tila humahaba ang oras.

Lumipas ang sabado’t linggo, naisipan kong manatili sa aming tahanan at namnamin ang bawat oras na nakahiga sa aming bulaklaking sofa. Mga palabas sa TV ay tila nakakabagot na, mga DVD ko naman ay napanood na at ang kompyuter na dating kong libangan ay nakakasawa na. Humiga ulit ako at nagmuni-muni, tanging hinihintay ko lamang ang shigi-shigi-wah-wakereuma ng aking cellphone. Ngunit halos buong maghapon ay di man lang humuni ang aking telepono, nasambit ko na lamang sa isip ko "wala na yatang nagmamahal pa sa akin." Bumalik ako sa aking pagmumuni-muni, sinubukang makatulog ngunit sa wari ko ay pati ang antok sa hapon ay hindi rin ako dinadalaw, hindi man lang niya ikaloob sa akin ang siyesta na aking hinahanap. Hindi ko na lang pinilit umidlip, iminulat ko na lang ang aking mata at nag-isip-isip na lang muli. Maya-maya ay narinig ko na ang shigi-shigi-wah-wakereuma, humuni na sa wakas ang aking telepono. Kinuha ko ang aking telepono at binuksan ang mensahe… Tangina, Globe Advisory lang pala. Walang halagang mensahe, tanging mga libreng ringtone lang pala. Ako’y nadismaya at tila nabigo sa aking paghihintay ng mensahe na kahit forwarded lang ay laking tuwa ko na. Itinigil ko na lamang ang aking kahibangan at nagtungo na lamang sa labas kahit ang ulan ay nagsisimula ng pumatak. Ako’y nagtungo sa tahanan ng aking mga kaibigan ngunit sa lungkot ko ay wala rin sila. Niyaya rin ako ng isa ko pang kaibigan ng hapon ding iyon ngunit mas ninais ko na lamang manatili sa aming bahay nang sa gayon ay makatipid at makaipon din naman ako. Binuro ko na lamang ang aking sarili sa aming tahanan upang magpahinga at hayaang lumipas ang oras na sa wari ko ay bumabagal sa pagkabagot at pagmumuni-muni.

Ngayon ay Lunes na naman, oras na naman ng trabaho. Limang araw pa ang aking bubunuin bago dumating ulit ang mga araw ng pahinga. Pitong araw ng trabaho pa ang aking hihintayin para sa susunod na sweldo. Nawa’y matapos ko ng  maayos lahat ng aking tungkulin at makatipid nang sa gayon naman ay mayroon na akong maipon upang makamtan ko ang mga maliliit na bagay kong nais.