Skip navigation

Marunong nga ba akong magmahal? Tila nawawala na ang pag-asa ko na umibig pa. Hanggang ngayon, di ko po naranasang magmahal o minahal man lang. Masama ba ang aking mukha upang ako’y di ibigin? Ano nga ba ang pagkukulang ko upang di ko maranasan ang ganitong bagay. Sa wari ko’y ako ay nagiging manhid na at di ko na madama ang lambot ng aking puso. Ano nga ba ang nasa isip ko na at tila ako ay nagnanais na umibig? Ano ba ang madarama ko kapag ako ay nagmahal? Sa loob ng dalawampu’t tatlong taon ng buhay ko, tanging pagmamahal ng mga magulang at mga kaibigan ang nadama ko. Katulad din ba ito sa pag-ibig? Sadyang maraming katanungan ang bumabagabag sa aking puso’t isipan. Ganito ba ang nadarama ng ibang taong di pa nakakaranas magmahal? Ang pagnanais kong umibig, tama lang ba na maramdaman ko ito? Ito bang pagkabalisa ko ay kalituhan o isa ng kahibangan. Naguguluhan na ako, ANO BA TALAGA ANG PAG-IBIG? Kailan ko pa ba ito mararanasan? Sana’y kahit sa isang punto man lang ng buhay ko ay madama ko ito. Ngunit di pa naman huli ang lahat sapagkat nariyan pa rin ang Maykapal na siyang aking iniibig at natitiyak akong minamahal din ako. Siya lamang ang nakakapagbigay ng lakas at ngiti sa mga umagang malamig at makulimlim. Tanging siya lamang ang nakakaalam kung ano at sino ang itatadhana Niya sa akin. Sana’y lumapit na ang panahong iyon, mabigo man o magtagumpay, ikaliligaya ko na. Malaman ko lang na ang pag-ibig ay dakila!

(Wow, first time ko ata mag-blog ng Filipino. Hehe, sarap ng feeling ah!)

Advertisements

10 Comments

  1. SYANGA!!KOREK KA DYAN!Kaya nga ngayon lang ko nakasagot!sapagkat malalalim na ingles ang yung binibitiwan sa tuwi-tuwina HARHARHARHAR Alam mo naman na kinakalawang na ang aking pag-iisip no?Masyado kong naapektuhan sa matalinghagga mong pagnilaynilay patungkol sa Kung kelan ka ba magmamahal? Kumpadre,walang ibang nakakaalam ng lahat kundi ang ating poong maykapal.Ikaw ay iisang nilalang na SUPERMAN matalino,matipuno,mabuting tao at higit sa lahat may takot sa diyos.Hoy! kaya matuto kang mag antay no?Alam kong ibibigay sayo yan sa tamang panahon at pakatatandaan mo na mas masarap maranasang umibig ng hindi pinipilit hayyyyyy nakuuuu sya nawa…. Ang hirap ng aking binibitiwang salita.Kumpadre ngayon mo lang ako pinahirapan ng ganito ha?minabuti ko na ring itigil n ito sapagkat nahihirapan na akong magisip ng tamang salita para sa mga kasagutan ng iyong mga katanungan…….

  2. Pre bata pa tayo! Andyan lang sya, don’t look she’ll come. Ito na lang pre mula sa isang sawi, ‘Good things comes to those who wait.’

    Kung ayaw sa yo bumili ka na lang ng ersop M4 S-System

  3. hindi ko ma-arok ang lalim ng iyong isinulat. hehehe!

  4. this is nice! 🙂

  5. a

  6. eow

  7. lol…

  8. hi po!!

  9. Aba! dumating lng ang mag sunud-sunod na bagyong humagupit sa bansa at naging makata ka na!Ngayn ko lang po nlamang pinoy ka pala.hihihi!..anyways, you’re still young para hanapin ang tunay na pag-ibig but i’m not encouraging you either to just fall in love because i don’t believe in that…wait ka lang, andito pa nman ako Mr. Superman…hahahahahaha!!!!!

  10. and dami m namang tanong. Dont think too much


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: